Common Misconceptions about OFWs

Hindi porke’t nasa ibang bansa ang mahal natin sa buhay ay sobrang dami na nilang pera. Syempre, may ipon nga sila pero kapalit nun ang level up na kayod at pagod.

So even if we benefit from their hard work, at nae-enjoy natin ang mga padala nila, let’s always remember they they also need to take care of themselves.

Dumadaan rin sila sa pagod, sakit, lalo na yang kalungkutan at homesickness. Let’s make them feel that we are thankful; that we appreciate ang mga paghihirap at pangangalaga nila sa atin.

Bago natin magawa yan, itama muna natin ang ilang mga maling kaisipan or misconceptions na meron ang maraming Pilipino tungkol sa mga OFWs. 

Dine out lagi ang gusto

Maraming nag-aakala na sa tuwing umuuwi ang kapamilyang OFW sa Pilipinas ay dine-out lagi ang gusto. Iniisip ng ilan na dahil sanay na sila sa pagkain sa bansang pinagta-trabahuhan, ito na rin ang hinahanap nila dito. Mali ito.

Mas maraming OFW ang pinipiling maghanap ng pagkaing Pinoy dahil matagal na nila itong inaasam. Mas gusto rin nila ito dahil ang mga pagkaing ito ang nagbibigay sa kanila ng “homely” vibes. Ito ay ilan lamang sa mga hinahanap-hanap nila na meron sa sariling bayan.

Marangya ang buhay ng OFW

Marami ang nag-aakala na marangya ang buhay ng OFW dahil kaya nila ang gastusin sa ibang bansa na mas mataas kumpara dito sa Pilipinas. Hindi ito totoo.

Ang mga OFW ay may mga hinaharap ring bayarin o utang katulad nating mga nandito sa Pilipinas--nandiyan ang tuition fees, mortgage, bills, at iba pa.

Kung may pagkakataon na makikita natin ang OFW na naglilibang sa isang restaurant o nag e-enjoy sa night life habang nasa ibang bansa, hindi ito ginagawa nang madalas. Paminsan-minsan lang naman may good time--na deserve naman nila.

Tandaan natin na kailangan din nila ng break mula sa stressful na trabaho for a healthier work-life balance.

Okay lang manghingi lagi ng pera sa OFW

Hindi porket mas malaki na ang sahod ng mga OFW ay pwede na sila hingian lagi ng pera. Pumupunta sila sa ibang bansa para mas matustusan ang mga prayoridad at responsibilidad sa pamilya. Ibig sabihin nito, halos nakalaan na ang kanilang sahod sa mas importanteng bagay.

At dahil naka-budget na ito, mahihirapan silang maglabas ng pera para sa mga panandaliang gastusin.

Hindi natin sila dapat akusahan na madamot tuwing hindi tayo mapagbibigyan sa ating mga requests. Tandaan, mas mataas man ang sahod nila sa ibang bansa kumpara dito, mas mabibigat din ang gastusing pasan nila para sa pamilya.

Masaya ang buhay OFW

Marami ang nag-aakala na ang mga OFW ay masasaya dahil kumikita sila ng mas malaki at nasa lugar na mas may progreso. Akala ng karamihan, kaya na nilang tustusan ang sarili sa kahit ano mang aspeto sa buhay.

Hindi ito totoo. Kahit gaano pa ka-succesful ang isang OFW, mananatili pa rin siyang hindi buo kung siya ay malayo sa pamilya.

May mga bansa ring iba ang tradisyon at mga relihiyon kumpara sa kinagisnan natin. Halimbawa, kapag ang OFW ay nasa bansang Muslim, may tendency na bawal ang mag-express at mag-practice ng Christianity or Katolisismo.

Ang resulta, marami sa kanila ang hindi pinaayagan na mag-Christmas vacation sa Pilipinas. Masakit ang mawalay sa pamilya sa kapaskuhan pero tinitiis ito ng mga OFW.

They don’t want to be in the Philippines anymore

Limitado lagi ang panahon ng bakasyon sa Pilipinas ng isang OFW. Madalas, matagal na ang isang buwan. Hindi ibig sabihin nito ay hindi na nila gusto manirahan dito.

Maraming OFW ang gustong sa Pilipinas mag-trabaho kaya lang mas maganda ang oportunidad at kita sa ibang bansa--kaya titiisin nilang mawalay sa mga mga mahal sa buhay.

They will prioritize their loved ones’ future  more than their own happiness.

Unang una, kung dadalasan nila ang uwi sa Pilipinas, magastos pa rin ito sa airfare. Pangalawa, kailangan sumunod ng mga kabayan natin sa mga policies na ibinibigay ng kumpanya--minsan, nagbibigay ang mga ito ng 1-month break sa kanilang mga empleyado. Hindi magiging praktikal kung lalabagin nila ito dahil ito ang kanilang source of living.

Lagi natin tatandaan na ang ating OFWs ay ang mga itinuturing na modern heroes. Matuto tayong irespeto sila sa lahat ng bagay. Pinili nilang magsakripisyo para maibigay ang magandang bukas sa kanilang pamilya. .

 

kami.com.ph/71674-5-misconceptions-filipino-families-ofws.html
thepinoyofw.com/ofw-misconceptions