Thinking of Working Abroad - make sure you have these documents

Marami pa rin ang mga Filipinong gustong magkamit ng tagumpay at kasaganaan by going abroad and working as an OFW.

Kung nasa iyo naman ang skills, talino, at tatag ng loob, okay lang na subukan mong makipagsapalaran overseas.

Pero bago ka makapag-simula sa pag-apply sa mga overseas jobs, kailangan mo munang ma-prepare ang ilang mga importanteng documents:

Resume with detailed job description

Ito ang unang unang ihanda kung nagbabalak kang mag-apply ng trabaho. Mahalaga ang resume para may pagkakataon ang mga potential employers at hiring agencies na magkaroon ng background information tungkol sa iyo.

Birth Certificate

Upang mapatunayang ikaw ay tunay na Filipino citizen, ihanda lagi ang original copy ng iyong Birth Certificate. Kadalasan itong requirement din tuwing kumukuha ng ilang documents gaya ng passport.

Valid IDs

Huwag din kalimutan magdala ng dalawang valid ID (ang mga valid IDs ay ang iyong employee ID, at anumang ID mula sa gobyerno tulad ng driver’s license, passport, GSIS, Pag-Ibig, TIN, etc.).

Valid passport

Siyempre, bago mag-apply sa isang overseas job, siguraduhing mayroon ka nang valid passport. Dapat valid pa ito nang at least six months.

Ito ang isa sa mga unang hahanapin sa iyo bilang patunay na eligible kang makapag-trabaho sa ibang bansa.

School credentials and documents

Huwag kalimutang ihanda ang mga school documents mo gaya ng diploma at transcript of records (TOR). Kung merong PRC ID, dalhin na rin ito bilang patunay na ikaw ay isang professional worker. Hinahanap rin ito ng employer at agency as reference for your skills and educational attainment.

NBI / Police / Barangay Clearance

Kailangan mo rin ihanda ang iyong mga documents like NBI, Police, or Barangay clearance bilang patunay na ikaw ay hindi nakagawa ng bagay na labag sa batas. Kailangan ito upang ma-verify kung papahintulutan ka bang maka-alis ng bansa upang magtrabaho.

Employment Certificate/s

Ihanda rin ang iyong mga employement certificate upang patunay na ikaw ay meron nang enough experience para sa trabahong a-applyan mo.

May mga employer na nire-require ang employment certificate at mayroon namang hindi na. Pero mabuti na rin na ihanda ang dokumentong ito para madaling mai-submit kung kailangan.  Karamihan sa mga employers abroad, hinahanap nila ang mga aplikante may sapat nang experience sa kanilang hinahanap.

Ito ay ilan lamang sa mga kailangan mong ihanda. Tandaan na may ilan pang agencies na maaring manghingi pa ng dagdag na documents, depende sa pangangailangan ng employer. Para makasigurado, makipag-coordinate sa POEA. 

 

www.workabroad.ph
www.workabroad.ph/article/11/What-documents-do-I-need-to-be-able-to-apply-for-an-overseas-job