You have OFW loved ones if you receive these pasalubong

Bringing home pasalubong is a common practice for every OFW whenever they return to the Philippines, whether it’s for a vacation or after resigning from their work overseas.

Dahil normal na ito, sinisiguro ng maraming OFWs na may dala silang pasalubong, magarbo at mamahalin man o kahit simple at mura lang. Ang importante, kahit paano ay may biyayang magpapasya sa mga loved ones nila.

Here are some of the common pasalubong na nakukuha natin sa mga kaibigan o kamag-anak nating OFW:

Chocolates

Hindi lang mga kabataan ang nag-aabang nito. Isa ang chocolates sa inaabangan ng buong pamilya kapag may umuuwing OFW sa Pilipinas. Generally, Filipinos have a sweet tooth. Kaya kung hindi man chocolates, kadalasan ay mga imported candies and other sweets ang dala ng mga kamag-anak natin.

Body products and fragrances

Ilan pa sa mga kadalasang pinapasalubong ng ating mga OFWs ay ang mga imported na sabon, shampoo, at body lotion. Kung minsan, halos ito lamang ang laman ng isang bagahe upang ipamigay sa mga kamag anak.

Bukod pa diyan, kadalasan ring pinamimigay ng ilang OFW ang mga pabango at cosmetic products. Sinasabi ng ilan sa mga kababayan natin na ilan ang mga ito sa mga madadaling bilhin sa last-minute shopping.

Jewelry or watches

Kadalasan ring ipinapasalubong ng OFW sa kanyang immediate family members o mga kaibigang malalapit ang mga alahas. Kadalasan, customized ito na nilalagyan ng pangalan.

Ang relo ay isa rin sa common pasalubong mula sa kamaganak nating nagtatrabaho sa ibang bansa. Kadalasan, ito ay mga branded watches na mas mahal kung dito sa Pilipinas bibilhin.

Apparel like clothes, shoes, wallets, and bags

Ang mga damit, sapatos, bags, o wallet ay madalas kabilang sa mga pasalubong ng OFW para sa kanilang pamilya sa Pilipinas. May mga ilang apparel din kasi na branded man, mas mura pa rin kung sa ibang bansa bibilhin.

Minsan, malaki ang discount sa tuwing may sale sa ibang bansa kay sinasamantala ng mga OFW ang pagkakataong makapag-shopping bago ang pag-uwi nila sa Pilipinas.

Gadgets and Electronics

May ilang bagay na mas mura talaga sa ibang bansa kung iisipin. Bukod sa branded apparel, mura rin ang ilang gadgets at electronics sa ibang foreign countries. Kaya naman isa ito sa hinihingi ring pasalubong sa mga OFW ng mga kapamilyang malalapit sa kanila.

Kung minsan, secondhand na gadgets ang inuuwi nila para sa kapamilya. Pero kahit gamit na ito, maganda pa rin ang kondisyon at siguradong magagamit pa rin ng maayos.

Pero kahit pa nakasanayan natin ang mga pasalubong na ito, huwag kalimutan na ang pinaka-importanteng maiuuwi sa atin dito sa Pilipinas ay ang mismong mga mahal nating OFW.

Bakasyon man ito o permanenteng pagre-resign na bilang OFW, ito na ang pagkakataon upang magkasama-sama tayong muli.

Gawing mas posible ang reunion sa tulong ng Bayani Family Care. Para mas secured ang muling pagkikita, mas piliin ang pasalubong na beneficial sa inyong future. Hindi lang proteksyon para sa pampamilyang kalusugan, kundi para rin sa ikagiginhawang pinansyal ng buong pamilya.  


my8insights.wordpress.com/2015/04/27/8-most-common-pasalubongs-of-filipinos-from-overseas
www.shopback.ph/blog/whats-inside-a-balikbayan-box