Magkalayo man, pero strong pa rin

Napakasarap magmahal at mahalin in return. ‘Yung mga kilig at exchange ng sweet messages sa texts at sa chat, ‘yung pagtawag magdamag, at ‘yung endless tawanan kasama ang iyong minamahal. You build your relationship, trust, and dreams together. Nagsisimula na kayong mag-plan ng future niyo.

Ang saya, no? Hanggang sa malalaman mo na the love of your life is leaving. You can’t help but feel shocked and panicked. Lahat ng pangarap na binuo ninyo will be put on hold. Thousands of questions float in your mind: Makakasurvive ba kami? Kaya ba namin ‘to? Paano kung may makilala siyang iba?

Yet, you still take the challenge and risk it all. Long distance relationships are hard work. There are times that you are both caught up in your busy schedules and struggle to communicate, because of time differences. Pero hindi ‘yan dahilan para mag-break kayo.

If you truly love someone, you won’t give him/her up. Konting tiis, madaming effort, and patience lang-- panigurado makakaya niyo ‘yan.

 

Kung natatakot ka parin, here are some tips on how to make your LDR work:

  1. When in doubt, talk to your beh.
    Always communicate--that’s one of the key recipes for a successful long-distance relationship. Kung nagduda ka na baka ipagpalit ka niya sa iba, always talk to him or her, huwag ka magtatago ng sama ng loob sa iyong partner.
    If you just keep all of that inside, later on, sasabog ‘yan. And that will make a dent in your relationship. If you openly communicate with each other, magkakaroon ka ng assurance and mapapanatag ang loob mo na hindi ka niya ipagpapalit sa iba. 
    Talk to him/her via chat and always send updates likes pictures or videos kung ano man ginagawa mo, para kahit malayo man siya, ramdam pa rin niya ang presence mo.

  2. Kahit malayo man, set aside time for activities together
    Your relationship isn’t like any other relationship. You cannot be with each other physically, hatid-sundo, biglaang movie dates, and food trips. That’s why you both need to be innovative, para hindi kayo ma-bore sa usual long hours of talking over Skype.
    A movie date is possible, even if you’re miles away from each other. Have the video call running in the background, hit the play button at the same tim,e and enjoy your time with your loved one.
    Pwede rin ninyo subukan, mag-try ng bagong recipes. Get the same ingredients and cook together over a video call, o diba? Parang na din kayong nag-dinner na magkasama. You’ll have loads of fun, kahit hindi kayo magkasama. 

  3. Iwasan ang hindi pagbabati, after mag-away
    Being miles away from each other-- hindi talaga maiiwasan ang pagtatampo at pagaaway. Part ‘yon ng relationship; dapat nasasabi niyo ang mga hinanaing niyo sa isa’t-isa. Kaso ang tampo at away, hindi niyo dapat pinapatagal. Huwag niyo hayaang matapos ang araw na hindi kayo okay.
    Tanggapin na yung mahal mo ay malayo sa iyo, hindi ka niya malalambing sa personal. This is why communication and understanding are equally important. Don’t make it a habit na matutulog kayo na galit sa isa’t-isa. Always try na pag-usapan at linawin ang isyu before you go to bed. 
    Dahil baka kinabukasan lumalala lang ang away niyo, na posibleng lumaki o magresulta sa break-up.
    Don’t let a simple misunderstanding ruin your relationship.

  4. Subukan magpadala ng ‘care package’ sa minamahal mo
    Letting your loved one feel your love can be difficult when you’re miles away. Kaya mahalaga mag-exert kayo ng extra effort para mag-work ang long-distance relationship ninyo. 
    You still have numerous options to make them feel loved. For example, mag-send ka ng care package!
    Medyo pricey, but it’s worth it. Put on the ‘care package’ everything you think he or she needs. You can put your favorite shirt sprayed with your perfume, or he can send you stuff toys to hug whenever you miss him. 
    Your significant may also send you a healthcard, para maipadama ang care at love nila, kahit milya ang layo ninyo sa isa’t isa. Kahit wala man sila sa iyong tabi, with Bayani Family Care, siguradong ramdam mo ang init ng kanilang pagmamahal, visit http://bayanicare.com.