Raising kids long-distance: Some tips for OFWs

Since ang paghihiwalay ng pamilya ay hindi na maiiwasan, what can the OFW’s family do to cope? How do we raise kids even long-distance?

Here are some useful tips:

Maintain a sense of stability

Your kids need to feel a sense of stability. Kahit malayo ka sa kanila, dapat ramdam pa rin ng mga anak ninyo na isa kayong buong pamilya. Paano ba ito magagawa?

Dapat may designated caregiver. Ibig sabihin nito, may naka-assign na mag-aalaga at tututok sa mga needs ng mga anak. Usually, ito yung daddy or mommy na maiiwan sa Pilipinas.

Pero pwede rin namang lolo, lola, tito or tita. Ang importante, laging nariyan para sa mga bata ang designated caregiver.

Mahirap kasi sa bata yung sitwasyon na parang pinagpa-pasa-pasahan lang siya ng mga kamag-anak. Nagkakaroon ng emotional stress at anxiety ang bata.

Maintain communication - no compromises

Dahil malayo kayo sa isa’t-isa, dapat isa sa pinaka-priority ng lahat is constant communication. Mabuti na nga at may advanced technology that can let us talk through chat, Skype, Messenger, etc.

Pero ang pinakamahalaga, you schedule your remote chats and conversations at regular times. Every day if possible. As often as you can.

Dapat strict kayo sa schedules na yan sa iyong mga kids. Walang excuses na “Sorry, hindi ako pwede now kasi may ibang gagawin.”

Of course, this is not possible to keep 100% kasi may mga school projects, may mga ibang lakad na importante.

But as much as possible, maintain regular, constant communication on schedule.

Openness and honesty

When you communicate with each other, be sure na maging honest and open sa mga nararamdaman at naiisip ninyo.

If you start lying or keep secrets, that will produce mistrust and worry. Then fear and anger. Nakaka-stress, di ba?

Being open and honest will help all of you rise above and solve problems and challenges. Parents should set the example so the kids will follow.

Follow rules, work as a team

It’s always better to have family rules and to follow those rules. Bakit? Kasi separated na nga kayo sa isa’t-isa. Yan lang, may feeling na kayo ng uncertainty and instability.

Pag may mga rules na sinusunod, you make your lives predictable and safe. Huwag niyo nang dagdagan ang insecurity, uncertainty and instability sa pamilya.

Also, in following the rules, work as a team. You are one family. You have to have one goal. Siguro, ang goal niyo, magandang buhay at future. So work together para ma-achieve niyo yan.

Kung may problema sa mga rules, or may sama ng loob, be open and honest, and i-communicate ninyo sa isa’t-isa. Ganyan dapat ang pamilya.

Get help

Lahat ng pamilya nagkaka-problema. Minsan, mahihirapan yung asawa o magulang na nasa Pilipinas. Kasi malungkot. Kasi feeling niya nag-iisa lang siyang nagdadala ng mga responsibilities.

So it’s important that when things become too hard, you get help. Taggapin mo na hindi mo kaya lahat nang problema mag-isa.

Get help from a parent, a relative, a friend. Open up about your difficulty. Kung kailangan get professional help from a counselor, a psychiatrist, a psychotherapist.

Maraming benefits ang naibibigay ng karagdagang kita galing abroad. Pero may mga challenges din. But don’t worry, if you work together as a family, you will have that bright future -- and your kids will thank you for it.

Iparamdam sa kanila ang alagang hindi nang-iiwan. ‘Yung kahit nasa kabilang panig ka ng mundo, dama pa rin nila ang pagmamahal mo. That kind of loving na may kasamang proteksyon sa oras ng pagkakasakit and other medical emergencies--’yan ang alagang hatid ng Bayani Family Care. Mababawasan ang pag-aalala mo sa iyong mga anak dahil kaagapay mo na ang Bayani Family Care sa pangangalaga sa kanila.