Risky jobs that OFWs usually take

Every job has a risk. Walang trabahong madali, wala ring trabahong easy money. Lahat ay may kanya-kanyang challenges at nasa sa atin na lang kung paano natin malalagpasan ang mga ito.

Subalit, meron talagang mga trabaho ang delikado sa ating kalusugan. Nilista rin ng Aetna International ang ilang trabaho na may pinakamataas na fatal injuries. Narito ang ilan sa mga ito:

Construction Worker

Bilang construction workers, mas risky para sa mga OFW ang long hours at pag gamit ng heavy equipment. Out of 100,000 construction workers, 18 sa mga ito ang namamatay dahil sa work-related causes.

Mabuti na lang, karamihan sa mga employers overseas ay nagpapatupad ng sapat na safety measures sa mga construction sites. Malaking bagay ito para makaiwas sa mga aksidente.

Gayunpaman, dapat paalalahanan ang mga kamag-anak nating overseas construction worker na mag doble-ingat at huwag magpabaya sa sarili habang nagtatrabaho.

Roofers

Ang pagiging roofer ay isa rin sa mga delikadong trabaho para sa ating OFWs. Dahil nasa bubong sila, may tsansa na sila ay mahulog.

Bukod dito, sila ay nakabilad o exposed sa bad weather na maaring makasama sa kanilang kalusugan o kaya may maging sanhi ng aksidente at injury.

Sa mga 100,000 roofers na nagtatrabaho taon-taon, mga 50 sa kanila ang namamatay dahil sa trabaho.

Pero may magandang balita naman. Bumaba na ang bilang ng mga naa-aksidente at namamatay sa mga roofers mula nang sila ay mabigyan ng sapat na training at edukasyon.

Aircraft pilots

Hindi hamak na mas malaki talaga ang pwedeng maging income pag nag trabaho abroad --lalo pa sa mga white collar jobs.

In general, ang air travel ang isa sa pinaka-ligtas na uri ng paglalakbay sa buong mundo.

Pero, hindi pa rin talaga maaalis ang risk ng aksidente. Unfortunately, may mga grabeng aksidente kung saan ang mga piloto ay namamatay.

Out of 100,000 aircraft pilots, 55 sa kanila ay namamatay sa trabaho, usually dahil sa aksidenteng nangyayari during takeoff or landing ng eroplano.

Maraming dahilan ang aksidente, kasama na ang faulty equipment o kaya mechanical failure; minsan rin, pilot error ang dahilan. Mas madalas rin ang aksidente sa mga private plane dahil hindi sila kasing-well-maintained ng mga commercial aircraft.

Gayunpaman, marami tayong magagawa para maging safe sa ating trabaho. Laging sumunod sa mga safety procedures at gawin ang lahat para maging malakas at malusog.

Kahit pa malaki ang kinikita natin abroad, ang pinakamahalaga pa rin ay makauwi tayo parati sa ating pamiliya nang buhay, ligtas, at buo. Alagaan ang sarili at higit sa lahat ang kalusugan. At para sa iyong peace of mind, regaluhan ang iyong pamilya ng proteksyong dala ng Bayani Family Care habang ika’y nasa ibang bansa.


www.ehstoday.com/safety/world-s-most-dangerous-jobs-are-they-worth-it-infographic
www.cbsnews.com/pictures/top-10-deadliest-jobs/2/ 
https://www.businessinsider.com/the-most-dangerous-jobs-in-america-2018-7?r=US&IR=T 
www.thestreet.com/how-to/most-dangerous-jobs-in-america-14756704