How to take care of your mental health when abroad

Our mental health is as important as our physical health. Kung hindi pangangalagaan ito, maaaring magdulot din ito ng mga physical symptoms na bunga ng emotional and mental distress.

Kabilang na lamang ang ating mga kababayan sa abroad sa mga vulnerable sa psychological problems. Totoong hindi madali ang mawalay sa pamilya, kaya maaari rin itong makaapekto sa psychological state ng OFWs kung hindi pangangalagaan ang mental health.

Ayon sa ilang pag-aaral, sinasabing ang mga OFWs ay vulnerable sa ilang mga psychological conditions gaya ng substance abuse, depression, at anxiety1.

Sa isang pag-aaral na ginawa noong 2009, it was found that majority of the participating domestic helpers, kabilang ang 27 Filipinos ay na-diagnose ng Acute and Transient Psychotic Disorder. Pangunahing stressors nito ang marital problems at homesickness.

Kaya naman, mahalagang matutunan ang pagkakaroon ng management sa mental health. Alagaan ang sarili kahit nasa kabilang panig ng mundo gamit ang ilang tips na ito:

Be mindful

Ang pagiging mindful ay makatutulong sa pag-develop ng rational and objective decisions para sa mga pangkasalukuyang nangyayari sa buhay. The more you are aware of what you’re doing, how you feel, how everyone around you affects your life, the more likely you will live a healthy, productive life.

Mahalaga ito sa stress management. Kapag na-overpower ng stress at emotional distress, kadalasan ay nakakalimutan na ng iba ang makapag-isip nang tama at nagiging impulsive--dahilan kaya nagpapatong-patong lang ang problema. I-let go ang mga bagay na hindi ma-control at maging mindful para sa sarili, pamilya, sa career, higit sa lahat para sa future.

Take breaks and rest

Mahalaga ang break time at pahinga, anuman ang trabaho mo overseas. Base sa ilang pag-aaral, nakatutulong ang tinatawag na “movement breaks” to reduce the risk of heart disease, diabetes, obesity, and depression2

Sinasabi rin sa isang research na makatutulong kahit ang mabilisang pahinga o “brief mental breaks” for you to stay focused on your task and improve your idea generation approach3. Hindi lang ito makatutulong sa utak kundi pati sa kabuuang kalusugan ng pangangatawan.

Always communicate

Mahalaga ang communication saan man tayo magpunta. Para sa mga kababayan natin abroad, ang simpleng pakikipag-usap lang through Facebook, Messenger, Skype, o FaceTime ay malaking bagay na.

Hindi lang ito makatutulong para mapanatili ang bond and relationship with the loved ones. Sa tulong ng pakikipag-usap, maaaring magkaroon ng conversation kung ano ang estado ng kanilang mental health at humingi ng tulong kung kailangan ng karamay sa problema.

Use day-off to unwind

Kung mayroong mga hobbies o hilig gawin, maaaring ilaan ito sa day-off para ma-distract sa pang-araw araw na stress. Mag-karaoke with your friends, manood ng sine, magluto sa bahay, or even try something new.

Kung may enough time and budget, pwedeng gamitin ito para mamasyal sa museums, parks, at iba pang tourist attractions na meron sa bansang kinalulugaran. Dahan-dahan lang sa gastos para maiwasan ang financial problems. Tandaan na ang pag-unwind na ito ay makatutulong para maka-relax at para ma-distract sa pang-araw araw na stress.

Join support groups

Hindi lang ang pagkakaroon ng kita ang dapat i-prioritize abroad, kundi pati ang pag-expand ng network with friends and acquaintances. That way, mararamdaman ng isang OFW na hindi siya nag-iisa, na may karamay siya, at may mahihingian siya ng tulong sa panahon ng problema.

Mahalagang maging sandalan ang bawat isa lalo na sa panahon ng pangangailangan. Makatutulong din ito para makakuha ng emotional, spiritual, o kahit financial support in times of need. After all, sino pa bang dapat magtulungan kundi mga kapwa Pinoy lang din na maaasahan.

Ang mga tips na ito ay preventive measures lamang para maiwasan ang mga problema sa mental health. Kung pananatilihing malusog ang mentalidad, magiging healthy rin ang buong katawan. Mangyaring makaranas ng sintomas na pagbabago ng personality at behavior, humanap agad ng professional at magpakonsulta. 

 


 

1. https://remit.com.au/how-to-take-care-of-your-mental-health-as-an-ofw/
2. https://www.topresume.com/career-advice/tips-to-balancing-work-and-life  
3. https://www.inc.com/thomas-oppong/for-a-more-creative-brain-take-breaks.html