5 Things OFWs Find Hard to Say

Most OFWs are happy to be working for the good of their loved ones. Kaya nga nila pinili mag-trabaho sa malayo, iniisip nila na mabigyan ng magandang bukas ang mga family nila.

Yang mga remittance, mga balikbayan boxes na dumadating, wow, ang sarap matanggap diba? 
When we get those gifts like new shoes, mga damit, mga imported na pabango, chocolates, naku parang Pasko na ulit.

Of course, masaya rin na pag kailangan ng pera for our gadgets, para sa mga pasyal, sa movies, sa internet and Wi-Fi.

Kaya lang, alam ng mga OFWs na sa likod ng mga material gifts na yan, sa likod ng saya, may sacrifice and pain na kapalit.

Hindi lang nila gustong ipagkalat yung mga difficulties and challenges nila kasi pinili naman nila yung magtrabaho abroad. Ayaw naman nilang magmukhang nagrereklamo pa sila.

Here are five things OFWs would rather not tell us:

They live overseas, in richer countries - but they don’t enjoy the good life

Mahal ang bilihin abroad. Minsan, may mga murang pagkain. Pero yung cost ng renta sa tirahan, utilities, transportation, ang pang-araw-araw na cost of living mataas.

Kaya whenever we get all these material gifts from them, isipin niyo kung gaano kalaking sacrifice ang tiniis nila para lang maipon lahat yan.

Wala na silang halos natitirang pera para sa sarili, wala na para sa good time.

They work long, exhausting hours; sometimes in dangerous jobs. Some work more than one job

Sobrang kayod ang mga OFW abroad. Hindi sila kagaya dito na office hours ang work sa harap lang ng computers.

Ano ba ang mga trabaho kadalasan ng OFWs? Healthcare. Kung nurse, nursing aid, caregiver -- stressful na trabaho ang mag-alaga ng maysakit, ng matanda. Sa hospital, exposed pa sila sa iba’t-ibang nakakahawang sakit.

Marami ring OFWs ang nasa construction, trade jobs, at engineering. Karamihan, manual labor so talagang stressful and physically exhausting. Sa construction sites, may mga safety procedures and safety equipment -- pero minsan hindi maiiwasan ang aksidente.

Maraming OFWs rin ang hindi lang isa ang trabaho. Some work 2 or even 3 jobs. O kaya kung anu-anong raket or sideline.

They feel lonely most of the time

Even if they are happy with their job and their pay, yang mga OFWs, malayo pa rin sa pamilya at sa sariling bayan.

Kailangan talaga para maging OFW, matibay ang loob mo. Kaya mong labanan ang lungkot.

That’s why when OFWs talk to us on the phone or chat on Skype or Messenger, let’s give them our full attention and express our affection. Kailangan nila yan para labanan ang lungkot.

Bawal magkasakit

The worst thing that can happen to an OFW is to become ill while abroad. Mahirap. Dahil nagkasakit, siyempre hindi makakapag-trabaho, so bawas ang kita.

This is why many OFWs keep on working kahit maysakit sila. Siyempre, parang sinusugal na nila ang health at pati buhay nila pag ganyan. Pero wala silang choice. They need to work to get money.

They eat simple, even bland food. Wear old clothes. Use old, cheap gadgets

It’s ironic that while their loved ones enjoy material things, yung mga OFWs mismo, hindi bumibili ng magandang damit. Hindi bumibili ng magarang gamit.

OFWs live a life of sacrifice. Instead of spending for their own happiness, they would rather save money to spend for their loved ones.

Kahit butas na ang brip, kahit nakatawa na yung sapatos, keri lang.

For those of us who receive material blessings from overseas, let’s remember that it happens not because OFWs are rolling in money. We receive those gifts because of great sacrifice.

So whenever we get the balikbayan box or the money they send -- remember that it’s just their way of saying they love us. What they don’t say is how much hardship, pain, and loneliness they go through for our sake.

So let’s say “thank you” and “I love you,” and make sure their sacrifices are worth it. Let’s do our part in making them feel loved and appreciated, and work hard to fulfill the dreams they have for us. Sa ating pagmamahal, maipapakita natin gaano kahalaga ang sakripisiyo nila para sa atin.

Hindi man nila masabi ang mga ito sa atin, patuloy pa rin nilang maipaaabot ang kanilang pagmamahal kahit sila man ay nasa abroad--sa tulong ng Bayani Family Care. Kagaya na lamang ng alagang hatid nito, maipahahatid ng ating mga kababayan ang kanilang love and care para sa ating kalusugan kahit libong milya man ang kanilang layo sa atin.