ADOBO ATBP: Top 5 na pagkaing paniguradong kinasasbikan ng mga OFWs!

Kung ikaw ay OFW, panigurado hindi lang pamilya at Pinas ang na-miss mo, pati narin ang mga pagkain dito.

No matter how delicious foreign food can be, aba, iba parin ang pagkaing pinoy! Ang mga home-cooked meals ng iyong nanay, iyon parin ang hahanap-hanapin mo. Ang mainit na kanin na kasama ang malinamnam na ulam na bubusog sa iyo. Iba parin ang lutong Pinoy!

Curious ka ba kung anong mga pagkain ang sikat sa OFWs? Here they are:

  1. Tuyo 
    Tuyo with egg and sinangag (garlic fried rice) ay paboritong almusal ng maraming Pilipino. We grew up eating this because it's easy to cook plus it’s also tasty! Tuyo is dried salted fish, best paired with sinangag at lalong masarap kapag iyon ay sinawsaw sa suka! Simula palang nang araw, kumpleto na agad kapag tuyo ang iyong almusal.
  2. KFC- Kikiam, Fishball, and Chickenball 
    In every corner in the Philippines, makakakita ka ng vendor na nagiikot at nagtitinda ng street food. Madalas, pang-snack lang yan pero may mga bumibili rin para gawin itong ulam. Talagang hit sa mga Pinoy ang street food dahil mura na, masarap pa. Maraming nakaka-miss sa mga pagkain na ito because they are not available sa ibang bansa.
  3. Lechon 
    Whether it’s your cousin’s graduation or binyagan, hinding-hindi mawawala ang lechon. A lechon is a whole roasted pig that’s perfect for every occasion. Kapag nailabas na ang lechon sa kusina, panigurado, ilang oras lang ay mauubos iyon. The traditional way of roasting a whole pig over a bed of coals is a labor of love; pwedeng umabot ng 5 oras ang pagluto ng isang buong lechon.
  4. Sinigang 
    Piping hot soup that is sour-flavored using one or a combination of several ingredients: sampalok, kamias, santol, bayabas, kamatis, etc. Minsan, yung ibang sinigang ay may strawberries pa o pakwan. Isang classic comfort food ang sinigang, sigurado, your thoughts will travel back to the Philippines pag humigop ka nito. It’s perfect for cold, rainy days, and ginagamit itong home remedy para gumaan ang pakiramdam kapag may ubo, sipon, o lagnat. Nakakamiss ang sinigang, lalo na kapag iyong loved one mo ang nagluluto.
  5. Adobo 
    Adobo is probably the most popular dish in the Philippines. Parang ang simple lang gawin: pakuluin sa suka, bawang, paminta, at iba pang rekado ang chicken o kaya pork. Mukhang simple lang pero the truth is, kailangan ng maraming practice bago mo ito mapasarap. Pwede rin mag-adobo ng beef o kangkong. Perfect ang adobo na ipares sa mainit na rice. 
    Alam naming miss mo na ang Pinoy foods na ito. ‘Di bale, konting tiis na lang at makakauwi ka rin sa Pilipinas. Kasabay ng nakakatakam na pagkaing Pinoy, hindi ba’t mas okay mabusog kung alam mong secured ang kalusugan ng pamilya? Bigyan sila ng proteksyon sa tulong ng Bayani Family Care. Mas masarap mabusog kung alam mong secured kayo mula sa financial burden ng pagkakasakit. Hindi ba?