Bakit nga ba umaalis ang mga Pinoy sa Pinas?

Malaki ang ambag sa ekonomiya ng Pilipinas ang kinikita ng milyon-milyong Overseas Filipino Workers ang nagtatrabaho sa ibang bansa--mga 2.3 milyon na sila, ayon sa Philippine Statistics Authority (2017).

Pero bakit nga ba maraming Pilipinong nagsasakripisyo ng kanilang oras, lakas, at kaligayahan para lang makapagtrabaho sa abroad?

Ang mga pangunahing dahilan ay:

 

Para tulungan ang pamilya. Kadalasan, mas malaki ang nakukuhang sahod ng isang OFW kumpara sa ordinaryong manggagawa sa Pilipinas. Of course, mas maganda talaga kung malaki ang sweldo ng tatay, nanay o sinumang nagtataguyod sa pamilya.

Hindi na magiging mahirap paglaanan ang maraming household expenses: renta, tubig, kuryente, pagkain, damit, o kahit konting luho gaya ng pamamasyal o pagbili ng mga gadgets.

Para sa kinabukasan ng anak.  For many Filipinos, talagang wala na tayong pamanang maibibigay sa ating mga anak kundi ang edukasyon. Kaya nga ang mga OFWs, kapag mga tuition fee at iba pang school expenses ang kailangan, walang alinlangan na pagkagastusan.

Para magpundar sa kinabukasan. May mga OFWs na gustong iangat ang buhay ng buong pamilya para sa hinaharap.  Kaya bukod sa edukasyon para sa mga anak, nagiging goal rin nila ang pag-invest sa stocks, bonds, at iba pang financial instruments.

Yung iba naman, nag-iipon para magtayo ng sarili nilang negosyo para eventually, babalik sila sa Pilipinas para dito na manirahan. Imbes na magtrabaho pa sila para sa ibang employer, sila na ang magiging employer at business owner.

Siyempre naiplano rin nila yung maging homeowner. Malaking accomplishment para sa isang OFW ang makapagpatayo ng sariling bahay o kaya makabili ng condo unit.

Para humanap ng mas magandang opportunity. May mga OFW naman na hindi lang mataas na sweldo ang habol.  Gusto nilang makahanap ng mga trabaho at opportunities para sa kanilang professional growth.

Halimbawa, may mga OFWs na nagsimula lang bilang isang housekeeper o kaya crew sa isang fast food chain pero dahil sa magandang opportunities abroad, nag-level up sila at mga managers at executives na ngayon.

Para makapag-migrate. May mga OFW rin na may long-term na pangarap na mag-migrate sa ibang bansa. May mga sinuswerte naman na, after working many years in a foreign country, nagiging permanent resident or naturalized citizen sila ng bansang iyon.

Marami ring matutulungang pamilya dahil sa pagiging OFW nang kanilang kamag-anak. Nariyan iyong, nakapagtapos dahil sa umalis ang nanay papunta Saudi, mayroon din ‘yong nakapagpatayo na ng bahay, o di kaya naman, mayroon nang business.

Whatever the reason is for becoming an OFW, sigurado na ang mga rason ay yung makakabuti para sa mga mahal sa buhay.  Makikita rito na ang pagiging OFW ay isang selfless act of sacrifice para sa mga Pilipinong tinatawag nating mga bagong bayani.

Kung ikaw ay nagtatrabaho sa ibang bansa para sa iyong pamilya, pwede mo pa ring iparamdam sa kanila ang iyong loving care even if you are far away.

Give them Bayani Family Care health cards.  BFC has different plans catered to your loved ones’ needs--magkasakit man sila o kaya magkaroon ng emergency, ramdam nila ang iyong pagmamahal through Bayani Family Care.  For more information, reach us at bayanicare.com/contact_us